Saturday, October 24, 2009

test test

test test test

Ano nga ba ang ibig sabihin ng undas?







Palagi ko siyang naririnig pero kahit kailan ay hindi ko pa nalaman kung bakit tinawag na undas ang all saints day at all souls day. Basta isang araw nalaman ko nalang na yun pala ang tawag dun dahil yun ang sabi sa tv. Marami na rin akong napagtanungan pero wala rin nakakaalam sa mga taong kakilala ko. Siguro dapat na akong makipagkaibigan sa mga mas matatalinong tao simula sa araw na ito. lol. Ngunit subalit datapuwa't nandiyan nga naman pala ang ever reliable na google na nakakasagot ng lahat ng mga katanungan ko sa buhay. Mga ilang attempts sa pagbuo ng naaangkop na search string ang nangyari bago ako makarating sa isang sagot na nakuntento naman ako dahil nung mga unang sagot na nahagilap ko ang sabi kaya daw undas ang tawag dahil malungkot dahil kapag binaliktad mo ang undas ang lalabas "sad-nu?" leche! anyway pagkatapos sumakit ng bahagya ang aking bangs sa kakornihang yun ay hindi pa rin ako nag give up. kailangan ko malaman ang kasagutan kung hindi'y habang buhay kong tatanungin sa sarili ko ang bagay na ito katulad na lamang nung mga panahong gusto kong malaman kung sino nga ba si Betty Go Belmonte at pano siya nagkaron ng sarili nyang lrt station. ngunit bago ko ipamahagi ang resulta ng aking paghahanap ay nais kong ipaunawa sa mga nagbabasa na ako ay hindi isang eksperto at maituturing na simpleng haka-haka o hula lamang na nagmula sa pinagtagpi tagping kaalaman ang aking nakalap na impormasyon.

Anyway ayun sa aking masusing pagsasaliksik (masusi talaga!) ako ay may natagpuang isang phrase na nasambit ni Lucan isang romanong makata na nakasaksi sa pagtawid ni Emperor Ceasar sa ilog Rubicon "parvi Rubiconis ad undas” na ang ibig sabihin ay "to the waves of [the] tiny Rubicon" kayat ang ibig sabihin ng "ad undas" ay "to the waves". Importanteng malaman kung ano nga ba ang Ilog Rubicon para sa mga Romano noong mga kapanahunan na iyon para maintindihan kung paano ko siya naikabit sa ibig sabihin para sa atin ng salitang ito. Ayon sa batas ng mga Romano ang mga militar ay pinagbabawalang tumawid sa ilog na ito para masiguro ang kaligtasan ng republic laban sa pagkokontrol ng militar. Kaya't nang magdesisyon si Emperor Ceasar na tawirin ito na nagsimula ng pananakop at pagbagsak ng repbublic natanim sa kamalayan ng sangkatauhan ang kaniyang ginawa at nabuo ang idioma na "Crossing the Rubicon" na ginagamit ng mga mamahayag para isalarawan ang isang tao/ gobyerno na gumagawa ng isang mapusok na hakbang o sa makatwid ay "passing the point of no return" sa kalaunan ang "ad undas" ay natranslate na rin as "to hell". Ang kamatayan ay masasabi natin na isang akto kung saan ang isang tao ay pumupunta sa "point of no return" ito na marahil ang maituturing na pinakamalapit na naguugnay sa mga salita't kaisipan na ito.

Kung tama man ako o mali wala akong pakialam basta sa ngayun makakatulog na ako dahil nakumbinsi ko na ang sarili ko na alam ko na kung bakit undas ang tawag sa kanya. Kung ako ay nagkakamali at alam niyo ang tamang sagot ilagay niyo nalang sa comments. Paalam at sanay maging mapayapa ang mga araw ninyo sa darating na undas.


Source: wikipedia: Rubicon